Question about who is entitled to death benefits from SSS, Pag-ibig and Employer:


Hi po tanong ko lang po. kasi yung uncle ko namatay nung July 6, 2020. at single po sya. wala na din lolo at lola namin na sya namang parents nya. ask ko lang po kung may makukuha ba ako na benefit or burial/death assistance sa SSS at Pag ibig? ganung ako po kasi yung inilagay ng uncle ko sa beneficiary nya? at kung meron naman po, magkano kaya?

Isa po syang dietician, ask ko din po kung may makukuha ba syang mga benepisyo sa hospital na pinagtatrabahoan nya?

At ask ko lang din po kung may share ba yung mga kapatid nya? like may apat pa kasi syang kapatid na naiwan, kasi yung sinasabi ng auntie ko na dapat daw may share sila kasi nga kapatid sila,,

At one thing po may expiration po ba yung pag file ng death claim? kasi sa sitwasyon ngayon medyo mahirap po makapag file gawa nga ng may COVID..

Salamat po sa sagot.  GOD BLESS po sa inyo at sa family nyo.


About SSS funeral benefit:

Kung sino ang gumastos sa funeral at nakasulat ang name niya sa mga funeral receipts, siya ang makakapag-claim ng SSS funeral benefit. 

Kung halimbawa lang na iba ang nakasulat sa receipt, halimbawa name ng tagalakad or representative ng family, papirmahin yong tagalakad o representative sa SSS waiver form para ma-claim ng family yong funeral benefit. 

Anong ibig sabihin ng waiver? I-wi-waive o ipapasa ang right na mag-claim doon sa ibang tao.

Parang ang waiver ay wave goodbye sa right 😀


About SSS death benefit:

Kung ang namatay na SSS member ay single, walang anak, wala nang parents at grandparents, ang puedeng mag-claim ay yong tao o mga tao whose names are written as beneficiaries in the SSS Personal Data form of the deceased SSS member.  Dapat din na yong nakasulat as beneficiary ay meron ding right to claim as described in the Family Code of the Philippines.  

Ganito kasi ang nakasulat sa SSS Law:

Under the Implementing Rules and Regulations of RA 11199 (The Social Security Act of 2018), these are the beneficiaries:

Primary Beneficiaries:

1. Dependent Legal Spouse (Not remarried, not cohabited, not in live-in relationship)

2. Children (Legitimate, Illegitimate, Legally Adopted)

Secondary Beneficiaries:

1. Dependent parents 

2. Any other person or persons designated and reported by the SSS member to the SSS.

   The person designated shall be someone who has a right to claim for support from the deceased member under the Family Code of the Philippines.

Sa case ni Mhaiy, kung ikaw talaga ang nakasulat na beneficiary doon sa SSS Personal Form ng uncle mo, ikaw ang entitled na claimant kasi anak ka ng kapatid niya. Pero depende pa rin sa decision ng SSS. Malamang na ibigay sa inyong 5 (divided by 5). 

Meron kasing case ng namatay na father. No spouse, no more parents. Merong anak na hindi na minor. Ang nakasulat na beneficiary ay pamangkin, hindi nakasulat yong nag-iisang anak. Ang binigyan ng SSS ay yong dalawa (divided by 2). 

Unsolicited advice ko lang, kung ibigay nga sa iyo ng SSS ang buong lump sum, maganda kung mag-share ka rin doon sa mga 4 niyang kapatid. Merong receipts para merong proofs na nag-share ka.


About Pag-ibig death benefit:

Provident benefit ang tawag sa benefit na ito. Kasama na diyan ang death benefit.  Magkakasama ang mga naipon niya plus dividends at death benefit. 

Sa Pag-ibig, ang sinusunod nila tungkol sa beneficiaries ay ang Civil Code/Family Code of the Philippines. Sa Pag-ibig form na Proof of Surviving Legal Heirs, ito ang pagkakasunod ng heirs:

1.  Spouse

2.  Children

3.  Parents

4.  Grandparents on both sides  (if no children and no parents)

5.  Brothers and sisters and children of deceased brothers and sisters

     (if no children, no parents and no grandparents)

6.  Other relatives (pag walang 1 to 5)

In the case of Mhaiy, kung wala nang grandparents yong uncle na namatay (father and mother's side), yong mga kapatid ang rightful claimants.


About hospital employer:

You can go to the hospital and inquire about any benefit that your uncle's heirs can claim. Bring your ID and proof of relationship to your uncle. Baka merong paluwagan, or merong hospital cooperative or merong other benefit.

Pag-ibig Death Benefit

  Who is Entitled to Death Benefits from SSS, Pag-ibig and Employer?


9 Comments

arnoldmdavilo said…
Hi Ma'am Nora,

Namatay recently August 18,2020 (Balo at senior citizen) ang tatay ng partner ko po.

Understood kung sino po ang nagbayad ng funeral service sya ang maaaring mag claim ng funeral benefits.

Tanong ko po sa Death benefits po ng byenan ko. since lahat ng mga anak ay 45yrs and above at kami lang po ng partner at mga anak namin ang kasama sa bahay ng tatay nyang namatay. Ano po ang aasahan namin Death benefits kahit para sa mga apo na kasama sa bahay?

Salamat po in advance sa pag sagot dito.

Byenan: Julio Oliva (77 yrs old) decease
Civil Partner: Riza Sotomayor
Anak: Arnold Oliva 48yrs old
Mga Apo:
Juliana Deblois
Julious Oliva
Justine Oliva
Jillian Oliva
Nora said…
Hi arnold, naka-5 years na bang nagpe-pension ang biyenan mo? Kung naka-5 years na, ang alam ko is wala nang makukuha pa from SSS, except the funeral benefit, kasi wala nang primary beneficiary (wala nang spouse at wala nang minor children). Pero magtanong pa rin sa SSS para sure.
Kung hindi naka-5 years na nagpension, makukuha yong kulang sa 5 years. Halimbawa, may 3 years nang nagpension, so meron pang 2 years na makukuha in lump sum. Ang beneficiaries ay lahat ng anak, hindi ico-consider ng SSS kung sinong kasama sa bahay, at hindi rin kasama ang mga apo, kasi meron pa namang mga anak. Pero since kayo ang nakasama, puedeng pumirma sa waiver ang mga kapatid para yong wife mo na lang ang beneficiary. Merong SSS waiver form.
Unknown said…
Ask ko lng po kung matitigil b ang monthly pension ng pensioner kahit hindi p kmi nGfifile ng deathclaim
Unknown said…
Namatay po ang dad ko june 1 2020 63years old n. Meron syang monthly pension gusto lng po nmin malaman kung titigil din ba ang monthly pension kapag namatay ang pensioner. Hindi p kmi nagfile ng death claim dahil s pandemic. Sana po masagot nyo po ang aming tanong para malinawan kmi ng lahat
Anonymous said…
good day po,
tanong ko lang po regarding sa sss yung papa ko na member namatay ng dec2020 tapos nkatanggap na kami ng funeral claim january2021 then on ngprocess na po ng death claim for survivor pensioner ang mama ko last feb.2021 tapos march 2021 namatay ang mama ko na hindi pa nkatanggap ng pension as survivor pensioner paano po yan? mkafile pa po ba kami for lumpsum na mga anak na naiwan? hindi na po kami minor lahat.salamat po
Unknown said…
good day po,
tanong ko lang po regarding sa sss yung papa ko na member namatay ng dec2020 tapos nkatanggap na kami ng funeral claim january2021 then on ngprocess na po ng death claim for survivor pensioner ang mama ko last feb.2021 tapos march 2021 namatay ang mama ko na hindi pa nkatanggap ng pension as survivor pensioner paano po yan? mkafile pa po ba kami for lumpsum na mga anak na naiwan? hindi na po kami minor lahat.salamat po
Nora said…
Yong father nio ba ay nagpepension noong namatay? Nakapag-pension na ba siya ng 60 months? Kung hindi pa, ang makukuha nio ay yong kulang sa 60 months na pension, halimbawa, nakatanggap na ang father nio ng 40 pensions, yong 20 pensions ang makukuha nio, in lump sum. Kaya lang kung marami kayong magkakapatid, lahat kayo magbigay ng IDs, birth certificates, etc. Kung nakuha na niya ang 60 months na pension, sorry, pero hanggang doon na lang ang benefit, according to SSS. Pero siempre, magtanong pa rin sa SSS, maagang pipila para maka-walk-in. Meron ding schedule for walk-in, depende sa SSS number mo at depende sa branch. Ngayong pandemic na ito ay parang hindi pa puede ang walk-in para lang sa retirement questions. Kung puede na, bring ID and birth certificate and death certificates of father and mother para meron kang ipapakita sa SSS.
Subukan mo ring magtanong sa Facebook page ng SSS, kung minsan merong mga tanong na nasasagot.
Unknown said…
hello po...ask ko lng po kung may makukuha pa na benefits burial assistance ang primary beneficiary na namatay.
Anonymous said…
Hi good evening po anim po kaming magakakaptid pero 2 lamang po ang nakalagay sa beneficiary ng aking tatay itatanong ko lng po kung may iba pa po bang paraan para maclaim po bamin ang burial at lumpsum ng aking tatay. Dahil saakin po pinaubaya ng aming panganay na kapatid ang pagaasikaso neto ngunit kulang po ako sa mga req. Katulad po ng birth nya dahil no record po sya sa psa. At ang marriage naman nya po ay iba po ang kanyang pangalang doon.ni wala din po syang mga valid id. Ano po kaya ang 0wede kong gawin upang makuha po namin ang burial at lumpsum ng aking tatay. Maraming salamat po sana p0 masagot nyo po aking mga katanungan.
Previous Post Next Post